Ang pagdakip sa magkapatid na Dargani kaugnay ng imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa pagbili ng mga medical supply ay nagpapakita lamang na walang sasantuhin sa nangyaring gusot na ito, ayon kay Senador Ping Lacson.

Ayon kay Lacson, ang pag-aresto ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) kina Mohit at Twinkle Dargani nitong Linggo ay isang patunay na walang ligtas na kanlungan para sa kanila, maging sa Davao City.

“Kung inaakala ng magkapatid na Dargani na safe haven ang Davao City, just like Michael Yang and Christopher Lao are thinking, they should think again. There is no such thing as a safe haven on earth,” sabi ni Lacson.

Inaresto ng mga tauhan ng OSAA ang magkapatid na Dargani bago pa sila makalipad papuntang ibang bansa nitong Linggo. Hinahanap pa ng awtoridad sina dating Department of Budget and Management Procurement Service OIC Christopher Lao at dating presidential adviser Michael Yang.

“There’s no safe haven on earth, even for people like Yang, Lao, and the Dargani siblings. Davao City is not a haven. They should stop thinking di sila magalaw doon. As what was proven yesterday, they are now in the Senate premises. They will be ‘forced’ to attend the Nov. 25 Blue Ribbon hearing,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

Dagdag pa ng senador, dapat bigyang papuri ang ginawang hakbang na ito ng OSAA na pinamumunuan ni retired Maj. Gen. Rene Samonte.

Tiniyak ni Lacson na bagama’t mukhang ‘untouchable’ pa sa ngayon si Yang, hindi matutulog ang Senado hanggang hindi napapanagot sina Lao at Yang.

Binigyang diin din nito na dapat maging isang aral para sa Senado ang muntikan nang pagtakas ng mga Dargani.

“It bears repeating that we should also continue to learn our lessons from what happened and adapt accordingly – in this case, making sure that even with virtual hearings, the Senate retains its element of surprise and does not telegraph its moves,” paliwanag ng senador. (Dindo Matining)

The post Lacson: Davao hindi ‘safe haven’ para sa mag-utol na Dargani first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-davao-hindi-safe-haven-para-sa-mag-utol-na-dargani/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-davao-hindi-safe-haven-para-sa-mag-utol-na-dargani)