Hindi na umano sorpresa ang ‘last minute move’ ng mga kandidato ng administrasyon para sa mataas na posisyon para sa 2022 national election, ayon kay presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson.
Sabi ng senador, inaasahan na umano na magpaparada ng ‘solid team’ at ‘solid tandem’ ang administrasyon. Nakuha umano niya ang inisyal na impormasyon sa dating Speaker Pantaleon Alvarez, na dating kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I heard, because this was narrated to me by Speaker Alvarez, who is very close to Secretary Cusi. Ang sabi, nabanggit sa kanya minsan ni Al Cusi ‘Ang worry namin baka we might end up na ‘yung admin wala kaming kandidato,” sabi ni Lacson sa panayam sa ANC.
“Kaya hindi na ako na-surprise talaga sa nangyayari ngayong mga development, because of those initial information that we were getting from within,” dagdag pa nito.
Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na una nang inaasahan na papalit sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.
Si Sara ay inampon bilang vice presidential candidate ng political party ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Samantala, inihayag naman ni Duterte ang kanyang intensiyon na laban ang kanyang anak sa vice presidency.
Ito’y matapos umatras bilang standard bearer ng PDP-Laban Cusi wing si Senador Ronald “Bato” dela Rosa habang running mate nitong si Senador Christopher ‘Bong’ Go ay umurong din sa kanyang vice presidential bid at sa halip ay tumakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) party.
Si Pangulong Duterte ay inaasahang maghahain ng COC ngayong Lunes, ang deadline ng pagpapalit ng mga kandidato. (Dindo Matining)
The post Lacson hindi nagulat sa ‘da moves’ ng mga admin bet first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-hindi-nagulat-sa-da-moves-ng-mga-admin-bet/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-hindi-nagulat-sa-da-moves-ng-mga-admin-bet)
0 Mga Komento