Pinayuhan ni presidential aspirant Senator Panfilo Lacson si Pangulong Rodgrigo Duterte na hindi dapat umano nito isiniwalat ang cocaine-user na kandidato sa pagkapangulo.

Ayon kay Lacson, dapat ay itinago ng Pangulo ang drug user para umano makakalap ng mas maraming ebidensya para suportahan ang kaniya mga paratang.

“I don’t know gaano kalawak ‘yung access o gaano ka-accurate ‘yung information, but the better approach should have been to keep it under wraps and launch an intelligence operation, which could lead to a law enforcement operation,” ayon sa pahayag ni Lacson sa The Source.

“Eh di nahuli mo sana sa akto o kaya nahuli mo ‘yung pinagbibintangan mo instead of just telegraphing ‘yung possible action na gagawin ng gobyerno,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang linggo, pinahayag ni Duterte sa isang blind item na may isa umanong kandidato sa paka-presidente ang gumagamit ng cocaine at tinawag pa itong “weak leader” kumpara sa tatay nito.

Negatibo sa iligal na droga matapos sumailalim sa voluntary drug testing sina Lacson at ang running mate nito na si Senate President Tito Sotto, sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City nitong Lunes. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Lacson kay Duterte: Bago isiniwalat cocaine user kumalap muna ebidensya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-kay-duterte-bago-isiniwalat-cocaine-user-kumalap-muna-ebidensyaa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-kay-duterte-bago-isiniwalat-cocaine-user-kumalap-muna-ebidensyaa)