“This is my country and no foreign armed forces can tell me to stay out.”

Ito ang naging sentimiyento ni Senador Ping Lacson sa kanyang pagpunta sa Pag-asa Island nitong Sabado.

“Being radio challenged by a Chinese Coast Guard vessel stationed more than three nautical miles off the coast of Pag-asa, I never considered backing out. Aside from the possibility of being fired at being remote, this is my country, not theirs. They had no right. That was my mindset,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account nitong Linggo ng gabi.

Kwento ni Lacson, hinamon sila ng Chinese Coast Guard vessels nang papalapit na sila sa airstrip ng isla.

Nang lumapag na sila sa airstrip ng Pag-asa Island, nakatanggap siya ng kakaibang text message na nagsasabing “Welcome to China.”

Matatandaan na noong mga nakaraang aeaw, hinarang at nagpaputok ng water cannons ang mga naturang Chinese Coast Guard vessels sa dalawang Philippine vessels na nagdadala ng supplies sa ating military personnel sa Ayungin Shoal.

Binigyang diin ni Lacson, na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, ang pangangailangan ng “balance of power” sa West Philippine Sea bilang pagtupad sa karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ).

Sa kanyang pagbisita sa Pag-asa Island nitong Sabado, pinangunahan ni Lacson ang isang flag-raising ceremony at paglalagay ng tatlong watawat ng Pilipinas sa isla.

Nakipag-usap din siya sa mga residente rito at sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na naka-istasyon sa isla para malaman ang kanilang pananaw sa isyu sa West Philippine Sea.

“Today, I planted our country’s flag with our patriotic soldiers in Pag-asa Island, municipality of Kalayaan in the West Philippines Sea in front of the Chinese Coast Guard ships more than 3 nautical miles away,” ani Lacson sa kanyang Twitter account nitong Sabado.

Para kay Lacson, ang insidente na nangyari noong Nov. 16 ay “totally unacceptable, even pathetic, on the part of our people involved in the resupply mission to Ayungin Shoal.” (Dindo Matining)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Lacson wapakels sa babala ng Chinese Navy sa Pag-asa Island first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-wapakels-sa-babala-ng-chinese-navy-sa-pag-asa-island/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-wapakels-sa-babala-ng-chinese-navy-sa-pag-asa-island)