Nagliyab ang Minnesota Timberwolves sa second half para padapain ang kulang-kulang na Los Angeles Lakers, 107-83, ngayong Sabado (oras sa Pilipinas).

Matapos ang dikitang first half, bigla na lamang lumayo ang Timberwolves sa third quarter kung saan bumuhos sila ng 40 points, kumpara sa 12 points ng Lakers.

Kaya naman nakuha ng Minnesota ang komportableng lamang tungo sa panalo.

Nagsanib-pwersa para sa Timberwolves sina Karl-Anthony Towns na umiskor ng 29 points, at D’Angelo Russell na nag-ambag ng 22 points.

Nanguna naman para sa Lakers sina Anthony Davis na may 22 points, at Russell Westbrook na may 20 points, ngunit wala na silang nakatulong pa.

Hindi pa rin nakalaro para sa Lakers sina LeBron James, Talen Horton-Tucker at Kendrick Nunn.

The post Lakers pahiya sa Minnesota first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lakers-pahiya-sa-minnesota/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lakers-pahiya-sa-minnesota)