Hindi napigilan ng pagbabalik ni LeBron James ang pagsadsad ng Los Angeles Lakers at lumasap sila ng pagkabigo sa kamay ng Boston Celtics, 130-108, ngayong Sabado.

Galing sa injury si James ngunit nakagawa pa rin ng 23 points at anim na rebounds.

Ngunit ang gabi ay inangkin ni Jayson Tatum.

Bumuhos si Tatum ng 37 points at 11 rebounds, habang may 22 pa si Marcus Smart at 21 para kay Dennis Schroder.

Matatandaang sa nakaraang season ay sa Lakers lumaro si Schroder ngunit umalis matapos ‘di pagbigyan sa hinihingi niyang sahod.

Sumandal naman ang Celtics sa nagliliyab na second half upang lumayo sa Lakers at ipadala ito sa kanilang ikatlong sunod na talo.

Nanguna naman para sa Lakers si Anthony Davis na may 31 points.

The post LeBron nagbalik na pero Lakers olats pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lebron-nagbalik-na-pero-lakers-olats-pa-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lebron-nagbalik-na-pero-lakers-olats-pa-rin)