Nagmatigas si Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa hirit ni Chinese Foreign Ministry spokesman Zhao Lijian na dapat nang alisin ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.

Ayon sa pahayag ni Zhao, ang Ayungin Shoal ay parte ng teritoryo ng China na tinatawag na Nansha Qundao.

Kaya dapat umanong alisin ng Pilipinas sa Ayungin ang BRP Sierra Madre, na siyang pinagdadalhan ng mga sundalong Pinoy ng supply kada linggo.

Rumesbak naman si Lorenzana ngayong Miyerkoles para sabihin na kung mayroon mang nanghihimasok ng teritoryo, ito ay ang China.

“Ayungin lies inside our exclusive economic zone (EEZ) which we have sovereign rights. Our EEZ was awarded to us by the 1982 UNCLOS which China ratified. China should abide by its international obligations that it is part of,” saad ng kalihim.

“Furthermore, the arbitral award ruled that the territorial claim of China has no historic or legal basis in fact. Ergo, we can do whatever we want there and it is they who are actually trespassing,” dugtong pa ni Lorenzana.

Pagpapatuloy pa nito, kung usapang dokumento lamang ay may maipapakita ang Pilipinas na ito ang may-ari ng naturang lugar.

“Mayroon tayong dalawang dokumento na nagpapatunay na mayroon tayong sovereign rights sa ating EEZ habang sila ay wala at ‘yung claim nila walang basehan,” dugtong pa nito. (mjd)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Lorenzana sa China: ‘Kayo ang trespassing sa EEZ ng ‘Pinas’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lorenzana-sa-china-kayo-ang-trespassing-sa-eez-ng-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lorenzana-sa-china-kayo-ang-trespassing-sa-eez-ng-pinas)