Walang byahe ang LRT-1 sa tatlong magkakahiwalay na araw sa pagitan ng Nobyembre 2021 hanggang Enero 2022, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Batay sa anunsyo ng LRT-1 walang byahe ang kanilang mga tren sa Nobyembre 28, Enero 23, 2022 at Enero 30, 2022.

Ito umano ay para sa pagsasagawa ng test run at trial ng kanilang bagong signaling system.

“We look forward to the many exciting developments lined up for LRT-1 in 2022. The migration to the new signalling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the LRT-1 and delivering better service to our customers. We would like to request the understanding of our passengers for this temporary inconvenience, and would like to assure them that this will be beneficial in the long-run,” pahayag ni LRMC chief operating officer Enrico Benipayo.

Ang pagbabago ng signaling system ay para sa pagdating ng bagong mga train set na gagamitin simula sa gitnang bahagi ng 2022. (mjd)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post LRT-1 garahe ng 3 araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lrt-1-garahe-ng-3-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lrt-1-garahe-ng-3-araw)