Pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT 2 ngayong Miyerkoles ng umaga dahil sa problemang teknikal.

Batay sa anunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nagkaroon ng problema sa signaling system ang linya ng LRT2 dakong alas-6:00 a.m. ng umaga.

“Paumanhin po sa lahat ng pasahero, pansamantala pong itinigil ang operasyon ng buong LRT2 mula kaninang 6:00 ng umaga dahil sa problema ng signaling system,” wika ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera.

Kasalukuyang inaayos ng LRTA ang nangyaring aberya. (mjd)

The post LRT 2 nagkaaberya ngayong Miyerkoles first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lrt-2-nagkaaberya-ngayong-miyerkoles/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lrt-2-nagkaaberya-ngayong-miyerkoles)