Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) matapos umano itong magkaroon ng problema sa signaling system.

Ayon sa ulat ni Light Rail Transit Authority spokesperson Atty. Hernando Cabrera sa Radyo dzBB, ipinatupad ang code red o pansamatalang tigil operasyon ng tren matapos itong magkaroon ng technical issue nitong Linggo, bandang alas-7:45 ng umaga.

Ang mga byaheng Recto-Antipolo station at Antipolo-Recto station ay apektado sa pagpapahinto.

Humingi ng paumanhin ang LRTA sa mga pasahero sa abalang dulot ng insidente. (Sherrylou Nemis)

The post LRT2 pinahinto ang operasyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lrt2-pinahinto-ang-operasyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lrt2-pinahinto-ang-operasyon)