Matapos ang halos isang dekadang pamamalagi sa Magnolia Hotshots ay nalipat na ng koponan si Justin Melton.

Si Melton, kasama ang kakamping si Kyle Pascual, ay pinamigay ng Magnolia sa Terrafirma Dyip para kay James Laput.

Ang rookie na si Laput, na may taas na 6’10, ay ang eighth overall pick ng Dyip sa 2020 draft.

Bukod sa tangkad nito, mas bata rin si Laput na 24-anyos lamang.

Samantala, si Melton ay parte ng Magnolia franchise mula pa 2012 kung saan naging parte rin ito ng 2014 grand slam team.

Si Pascual naman ay pumasok sa PBA noong 2014 at parte ng Hotshots mula pa noong 2017. (mjd)

The post Magnolia nagpa-bata: Melton, Pascual pinamigay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnolia-nagpa-bata-melton-pascual-pinamigay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magnolia-nagpa-bata-melton-pascual-pinamigay)