Pormal nang magka-tandem sa Halalan 2022 sina Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, base sa dokumento na inilabas ng kampo ng una.

Sa inilabas na resolusyon ng Partido Federal ng Pilipinas, inendorso nito ang chairman na si Marcos Jr. bilang presidential candidate habang inampon din si Mayor Duterte bilang kanilang vice president.

Kasunod ito ng pag-substitute ni Mayor Duterte sa umatras na Lakas-CMD vice presidential candidate na si Lyle Uy nitong Sabado.

Habang sinusulat ito, wala pang pahayag si Mayor Duterte hinggil sa resolusyon.

The post Marcos Jr-Sara tandem na sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marcos-jr-sara-tandem-na-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=marcos-jr-sara-tandem-na-sa-2022)