Pormal na inalok ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang posisyon bilang chairman ng Lakas-CMD party.

Ginawa ni Revilla ang pahayag, ilang araw matapos na ampunin ng partido si Sara na tumatakbo sa pagka-bise presidente para sa eleksyon 2022.

“I have full trust and confidence in Mayor Sara Duterte’s leadership, I believe that she will steer the Party towards victory in 2022,” sabi ni Revilla, sa isang statement.

“In full support of Mayor Sara Duterte’s candidacy for Vice President, I am offering her my post as Chairman of Lakas-CMD,” dagdag pa nito.

Noong Nobyembre 11, pormal na nanumpa ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong miyembro ng partido.

Nauna nang sinabi ni Revilla na walang isasabak na presidential candidate ang kanilang partido at sa halip ay mag-a-adopt na lang kandidato sa pagka-pangulo kasama ang kanilang vice presidential bet na si Mayor Sara. (Dindo Matining)

The post Mayor Sara inalok maging chairman ng Lakas-CMD first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayor-sara-inalok-maging-chairman-ng-lakas-cmd/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayor-sara-inalok-maging-chairman-ng-lakas-cmd)