Naispatan ang grupo ng mga barko ng China na nasa baybaying malapit sa Pagasa Island sa West Philippine Sea ngayong Sabado ng umaga.

Makikita sa litratong kuha sa ulat ng GMA News ang presensya ng mga barko ng China sa nabanggit na lokasyon sa WPS.

Sa isang panayam, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na noong Huwebes ay may 45 barko ang China na nasa may Pagasa Island.

Sinisiguro naman umano nina Esperon na inaaksyunan nila ang pangyayari.

Matatandaang nitong linggo ay pinagtabuyan ng ilang barko ng China ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala lamang ng suplay para sa mga sundalong nasa isang isla sa WPS.

The post Mga barko ng China, naispatan sa Pagasa Island first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-barko-ng-china-naispatan-sa-pagasa-island/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-barko-ng-china-naispatan-sa-pagasa-island)