Ganap nang mga rescuer ang mga residente na tumulong sa pagliligtas ng mga sundalong biktima ng bumagsak na C-130 plane sa Sulu noong Hulyo.

Ayon sa ulat nitong Martes, dumaan sa search at rescue training, tampok ang pagsasanay sa rappelling at water rescue ang mga tinaguriang ‘Tausug heroes’ para maging ganap na rescuer.

“Makatulong sila sa community, sa mismong barangay nila na pinangyarihan ng sakuna, para ma-impart sa kanila ‘yung tamang skill ng first responders,” pahayag ni Western Mindanao Command-Tactical Operations Wing commander Col. Dennis Estrella.

Matatandaang bumagsak noong Hulyo 4 sa Patikul, Sulu ang C-130 plane ng Air Force kung saan 50 sundalo ang namatay.

Tumulong ang ‘Tausug heroes’ upang maparami ang bilang ng mga nakaligtas sa pangyayari. (mjd)

The post Mga tumulong sa pagsagip sa C-130 crash rescuer na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-tumulong-sa-pagsagip-sa-c-130-crash-rescuer-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-tumulong-sa-pagsagip-sa-c-130-crash-rescuer-na)