Oktubre nang inanunsyo ng mag-asawang Philippine Basketball Association star Japeth Paul Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel at Cassy Naidad na magkakapanganay na anak.

Ngayonng nasa ikatlong trimester na ang misis ng basketbolista, hindi maiwasan nito na masabik sa paglabas ng kanilang baby boy.

“In my 3rd trimester already! Never been this heavy and uncomfortable in my life but excited to meet baby boy,” ani Cassy sa kanyang social media account Huwebes.

Nagpasalamat din ang ginang sa kanyang mga doctor nag-aalaga sa kanya lalo pa’t high risk aniya ang pagbubuntis niya.

“Really grateful for my doctors that have been so good and taking care of baby and I. Please continue to pray for us.”

The post Misis ni Aguilar atat nang manganak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/misis-ni-aguilar-atat-nang-manganak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=misis-ni-aguilar-atat-nang-manganak)