Ilang motorista ang huminto para dumampot ng mga banknote matapos tumapon ng limpak-limpak na pera sa isang freeway ng California nitong Biyernes.

Naging magulo ang eksena habang hindi mapakali ang mga motorista sa pagdampot ng mga pera na sumaboy sa isang armored truck.

Ngunit nahinto ang pagdampot ng mga motorista nang dumating ang mga pulis at inaresto ang dalawang tao sa pagkuha ng pera.

Sinabi ni California Highway Patrol Sgt. Curtis Martin sa mga mamamahayag na ang pera na may kabuuang libu-libong dolyar ay pag-aari ng isang bangko at dapat ibalik na ito sa istasyon ng pulisya.

Sa isang video na naka-post sa social media, makikita ang mga tao na nagmamadali sa pagdampot habang may ilan ding naghagis ng pera sa hangin bilang pagdiriwang. (Sherrylou Nemis)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Motorista nakidampot sa sumaboy na pera ng armored truck first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/motorista-nakidampot-sa-sumaboy-na-pera-ng-armored-truck/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=motorista-nakidampot-sa-sumaboy-na-pera-ng-armored-truck)