Hindi napigilan ni Kylie Padilla na maging emosyonal sa harap ng kanyang ama na si Robin Padilla.

Sa kanyang vlog na “The Conversation I Never Had With My Papa”, naitanong ni Robin sa anak kung okay na sila ni Aljur Abrenica.

“Pero okay na kayo?” tanong ni Robin, na sinagot ni Kylie ng, “Okay na kami. Okay na kami, thank God.”

Sinundan ito ng aktor ng, “Sige nga. Tinitignan kita sa mata kasi hindi ka makakapagsinungaling sa akin.”

“Okay na po talaga, Pa. I promise. Ayoko nang mag-ano, basta. Ang importante, okay kami para sa mga bata,” reply uli ni Kylie.

Matapos ay tinanong naman ni Robin kung “Masakit pa ba?”

“To be honest, Pa ‘yung mahirap lang talaga dun sa nangyari sa amin is never ko nang ma-e-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro. ‘Yun lang. Kasi nung dumating na talaga ‘yung time na hindi na siya nagwo-work, but bilang nanay… Favorite ko ‘yun eh, na pinapanood ko ‘yung mga anak ko and tatay nila na magkasama.”

Sa ngayon ay masaya na raw si Kylie dahil hindi na sila toxic ni Aljur.

The post Nabanggit si Aljur: Kylie naging emosyonal kay Robin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nabanggit-si-aljur-kylie-naging-emosyonal-kay-robin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nabanggit-si-aljur-kylie-naging-emosyonal-kay-robin)