Bagamat wala nang nangyaring pambobomba ng water cannon sa mga nagdala ng supply sa Ayungin Shoal kahapon, naispatan naman umano ang presensya ng isang barko ng Chinese coast guard sa lugar.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, namataan ng mga nagdala sa Ayungin Shoal ang barko ng China na nagpadala pa ng isang rubber boat sakay ang tatlo katao na kinunan umano ng litrato ang kanilang aktibidad.

“There was a Chinese coast guard ship in the vicinity which sent a rubber boat with three persons near the Sierra Madre while our boats were unloading and took photos and videos,” saad ni Lorenzana nitong Martes.

Aniya, agad niya itong ipinagbigay-alam kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

“I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” aniya.

Gayunman, naniniwala ang kalihim na hindi dapat iprotesta ang naturang pangyayari, na pinaalam na rin niya kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Nagdala ng supply sa WPS, ‘di hinarang, pero pinicturan – DND first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagdala-ng-supply-sa-wps-di-hinarang-pero-pinicturan-dnd/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nagdala-ng-supply-sa-wps-di-hinarang-pero-pinicturan-dnd)