Kasabay ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay bumaba sa 14 ang bilang ng mga lugar dito na nasa ilalim ng granular lockdown.

Malayo na ang naturang numero mula sa 399 na naitala nitong Nobyembre 13.

“Ibig sabihin talagang bumababa ang ating mga numero,” wika ni Interior Secretary Eduardo Año.

Sa 14 lugar na nasa granular lockdown ay 44 pamilya ang apektado.

Ang granular lockdown ay ang sistema ng community quarantine na ipinapatupad sa ilalim ng alert level system.

Samantala, mula sa NCR, ang alert level system ay ipinapatupad na rin sa buong Pilipinas. (mjd)

The post Nakakandadong lugar sa NCR 14 na lang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nakakandadong-lugar-sa-ncr-14-na-lang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nakakandadong-lugar-sa-ncr-14-na-lang)