Idedeklara ng Malacañang bilang special working days ang November 29 at December 1 kaugnay sa ilalargang tatlong araw na national vaccination days.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na batay sa kanyang pagkakaalam ay magiging special working days ang nabanggit na mga petsa na naglalayong mas maraming mabakuhanang mamamayan laban sa COVID-19.

“As I know it, doon sa November 19 and December 1, special working days po,” ani Nograles.

Ang national vaccination days ay simula November 29,30 at December 1.

Pista opisyal ang November 30 na Bonifacio Day.

Sa gagawing tatlong araw na National Vaccination Days, target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino para mas madaling maabot ang target na population protection laban sa COVID-19.

Ang mga magpapabakuna ay ituturing ng gobyerno na mga bayani dahil isinaalang-alang nila ang proteksiyon ng kapwa Pilipino laban sa mabagsik na virus.( Aileen Taliping)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post National Vaccination Day idedeklarang special working day first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/national-vaccination-day-idedeklarang-special-working-day/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=national-vaccination-day-idedeklarang-special-working-day)