Nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa Sussex County, New Jersey ang US entrepreneur na nagtungo noon sa kalawakan kasama ang isang Hollywood actor at isang pinakamayamang tao sa mundo.

Ayon sa CBS New York, noong Huwebes naganap ang plane crash kung saan pumanaw si Glen de Vries, 49, at isa pang sakay ng maliit na eroplano na si Thomas Fischer, 54.

Kabilang si De Vries sa laman ng mga balita noong nakaraang buwan nang lumipad siya sa kalawakan kasama ang “Star Trek” actor na si William Shatner at ang world’s richest man na si Jeff Bezos, na Amazon founder.

Batay sa Federal Aviation Administration, bumagsak ang single-engine Cessna 172 sa wooded area ng state park malapit sa Lake Kemah bandang 4PM. Iniimbestigahan pa ang insidente.

The post Negosyante na lumipad sa kalawakan, tigok sa plane crash first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/negosyante-na-lumipad-sa-kalawakan-tigok-sa-plane-crash1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=negosyante-na-lumipad-sa-kalawakan-tigok-sa-plane-crash1)