Sakaling mahalal na alkalde sa Quezon City, paglalaanan umano ng sapat na pondo ni AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang pagpapaganda sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center maging sa La Mesa Eco Park.

Naniniwala si Defensor na ang pagpapaganda sa dalawang pasyalan ay magdadala ng mas maraming tao sa lungsod.

“Ang Quezon City lamang ang siyudad na may dalawang gubat … kailangan tumulong kami sa pag-improve nito,” aniya.

Nakikita umano ni Defensor ang potensyal ng Ninoy Aquino park na mag-ala night zoo sa Singapore.

“Yung Ninoy Aquino center ano yan eh 26 hectares, ito’y nasa ilalim ng DENR (Department of Environment and Natural Resources). Ipapaki-usap ko sa kanila baka pwede kami magtulungan sa pagma-manage, kung pwede ibigay nila sa city at gawin namin ito na mini zoo yung katulad nung night zoo ng Singapore,” pahayag ng mambabatas.

Samantala, ang pagpapaganda naman umano sa La Mesa eco park ay magiging magandang pasyalan para sa mga nature-lover.

“Dito naman sa La Mesa dam syempre ituloy natin na palakasin at pagandahin ang lugar na yan,” dagdag pa ni Defensor. (mjd)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Ninoy Aquino Park gagawing mala-Singapore night zoo ni Defensor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ninoy-aquino-park-gagawing-mala-singapore-night-zoo-ni-defensor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ninoy-aquino-park-gagawing-mala-singapore-night-zoo-ni-defensor)