Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Secretary to the Cabinet Karlo Nograles bilang pansamantalang Presidential Spokesman kapalit ni Secretary Harry Roque na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador sa darating na eleksyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na si Nograles muna ang magiging Officer-in-Charge hanggat hindi nakakahanap ng bagong tagapagsalita ng MalacaƱang.

“Karlo, kung maaari ikaw na lang sana ang acting na muna until we find a replacement,” anang Pangulo.

Batid ng Presidente na maraming trabaho si Nograles kaya magiging pansamantala lamang ang pagiging OIC Presidential Spokesperson nito.

“I do not want to burden you with so much — alam ko yung paperwork dadaan sa yo eh,” dagdag ng Pangulo.

Awtomatiko aniyang maalis sa gobyerno ang sinomang opisyal na naghain ng kandidatura para sa eleksyon at hindi na kailangan pa ang seremonya sa pag-alis ng isang government official sa ehekutibo.

“Alam mo once you file your certificate of candidacy, automatic yan out ka sa gobyerno. No other formal ritual is needed except that when you cease to be a government employee,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Nograles itinalagang acting presidential spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nograles-itinalagang-acting-presidential-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nograles-itinalagang-acting-presidential-spox)