Itinalaga bilang tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases si Secretary to the Cabinet at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles.

Ito ang inanunsiyo ng kalihim matapos ang ika-149 meeting ng IATF noong Huwebes.

Dahil dito, aasahan aniyang mapapadalas na ang pakikipag-usap nito sa mga miyembro ng media para sa mga ginagawa at desisyon ng IATF.

“Let me begin by expressing my sincere gratitude to the members of the Inter-Agency Task Force for designating me as spokesperson for the IATF during our 149th meeting,” ani Nograles.

Aminado ang kalihim na dagdag responsibilidad ito sa mga trabahong nakaatang sa kanya pero tiniyak na gagawin ang lahat ng makakaya para matugunan ang mga impormasyong nais malaman ng media.

“This is just one more hat among many that I must wear, and this means one more task to juggle. I assure everyone that I will continue to discharge all my duties to the best of my abilities and will try my best to work harmoniously and professionally with our partners in the media,” dagdag ni Nograles.

Ang pagiging spokesman ng IATF ay dating hinawakan ni Secretary Harry Roque.
Abantelliling with Ritz Azul

The post Nograles itinalagang IATF spokesman first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nograles-itinalagang-iatf-spokesman/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nograles-itinalagang-iatf-spokesman)