Umabot na umano sa 42,000 ang mga booster shot na naiturok sa bansa, ayon kay National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa.

“We have given 42,000 booster shots so far. It would be nine million if we include the elderly,” wika ni Herbosa sa panayam habang dinadala sa bansa ang halos 700,000 doses ng Moderna vaccine ngayong Martes.

“I hope we can give it immediately. By year end, kaya natin ‘yang nine million [booster shot],” dugtong pa niya.

Sa ngayon, mga healthcare worker, senior citizen, at may comorbidity pa lamang ang tinuturukan ng booster shot.

Dagdag pa ni Herbosa, sa gaganaping National Vaccination Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay magpapatuloy pa rin ang pagtuturok ng booster shot bagamat ang magiging prayoridad ay ang mga hindi pa bakunado. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post NTF: Naturukan ng booster shot 42-K na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ntf-naturukan-ng-booster-shot-42-k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ntf-naturukan-ng-booster-shot-42-k-na)