Sa gitna ng isyu na aniya ay paninira sa kanyang karakter, isa sa mga iniisip ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang pagreretiro mula sa naturang isport.

Matatandaang inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) si Obiena kaugnay ng ‘di maayos na pag-liquidate sa mga allowance nito, gayundin sa ‘di pagpapasahod sa kanyang foreign coach.

Ngunit nitong Linggo ay rumesbak si Obiena para sabihing walang mali sa kanyang pag-liquidate. Gayundin, nagsalita ang kanyang coach para sabihing napapasahod siya nang maayos.

Kaya naman, inakyat ng pole vaulter ang reklamo laban sa Patafa sa Philippine Olympic Committee, International Olympic Committee (IOC) at World Athletics.

Hangad din ng 26-anyos na atleta na mag-public apology ang Patafa, na kung hindi umano mangyayari ay baka magretiro na lamang siya.

“The only resolution to this now is the full and public withdrawal of the investigation and a full public apology from the authorities involved in this. If this doesn’t happen, I will consider my other options such as retirement from the sport that I love,’’ saad ni Obiena.

“I have prided myself in embracing the values of discipline, competitiveness, honor, transparency and respect. This doesn’t change even in times of crisis,’’ dugtong pa niya. (mjd)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Obiena pinaplano magretiro first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obiena-pinaplano-magretiroa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=obiena-pinaplano-magretiroa)