Nasamsam ng Bureau of Customs ang P2.5 bilyong halaga ng mga pekeng produkto sa isang operasyon sa Pasay City nitong Biyernes.

Sinabi ng BOC na kinuha ng Intelligence Group (IG) Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division (CIIS-IPRD), at BOC-Port of Manila (BOC-POM) ang mga produkto sa One Logistics Center sa kahabaan ng Taft Avenue Extension.

Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang implementing team na binubuo ng CIIS-IPRD, BOC-POM, Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nag-inspeksyon sa mga bodega.

Napag-alaman na ang mga produkto ay posibleng lumalabag sa Intellectual Property Right (IPR)-infringing o smuggled counterfeit.

Patuloy ang imbestigasyon para sa posibleng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863). (Sherrylou Nemis)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post P2.5B pekeng produkto nasamsam ng BOC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p2-5b-pekeng-produkto-nasamsam-ng-boc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p2-5b-pekeng-produkto-nasamsam-ng-boc)