Nagkakahalagang P54.57 milyon ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig.

Ayon sa Southern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) inaresto ang dalawang suspek na nagbebenta umano ng ilegal na droga bandang alas-11:15 ng gabi, sa barangay ng Maharlika sa Taguig.

Pinangalanan ang mga suspek na sina Muslim Kamid, 32, at Marisa Asi, 34, kapwa residente sa Maharlika.

Nakumpiska ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may 25 gramo o nagkakahalagang P170,000.

Narekober din ang walong pakete ng shabu na nagkakahalagang P54.4 milyon at P1,000 na buy-bust money.

Nakakulong naman sa SPD Drug Enforcement Unit detention cell ang mga suspek. (Sherrylou Nemis)

The post P54.57M na shabu nasabat sa Taguig first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p54-57m-na-shabu-nasabat-sa-taguig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p54-57m-na-shabu-nasabat-sa-taguig)