Dalawang container shipment sa Port of Subic na naglalaman ng mga smuggled na gulay ang nasabat ng Bureau of Customs.

Nakatanggap ng report ang BOC tungkol sa mga shipment na paparating na naka-consign sa JKJ International Co. at EMV Consumer Goods Trading.

Naglalamang ito ng mga agricultural product na nagkakahalagang P66 milyon.

Batay sa pagsusuri, ang laman ng shipment ay broccoli, red onions, mushroom, sweet oats at carrots.

Naglabas na ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa Department of Agriculture Circular No. 04 Series of 2016 at Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Siniguro naman ng BOC na mas paiigtingin ang pagbabantay sa mga smuggles na produkto. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post P66M smuggled gulay nasamsam sa Subic first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p66m-smuggled-gulay-nasamsam-sa-subic/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p66m-smuggled-gulay-nasamsam-sa-subic)