Arestado ang isang claimant ng package na idineklara bilang dokumento na naglalaman ng 100 ecstasy tablet sa Bulacan.

Sinabi ng Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), idineklara ang shipment bilang liham ngunit batay sa imbestigasyon naglalaman ito ng 100 party drugs.

Nagsagawa naman ng delivery operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng mga miyembro ng BOC-NAIA’s Enforcement and Security Service.

Itinurn-over sa PDEA ang suspek at ang narekober na P170,000 halaga ng ilegal na droga para sa custodial investigation.

Samantala, hindi pa matukoy ng PDEA at BOC kung sino ang naarestong claimant. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Package laman P170K na party drugs nasabat sa Bulacan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/package-laman-p170k-na-party-drugs-nasabat-sa-bulacan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=package-laman-p170k-na-party-drugs-nasabat-sa-bulacan)