Idineklara ni Sen. Manny Pacquiao nitong Sabado na handa siyang harapin ang sinuman sa larangan ng pulitika at hindi siya magpapatinag sa mga plano at aksyon ng ibang mga kandidato.

“I already became a champion in many weight divisions in boxing. Now, I want to be a champion in public service,” pahayag ni Pacquiao sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City.

Binigyang-diin niya, hindi na siya aatras kanyang pagtakbo sa pagkapangulo dahil hangarin niya na maalis ang katiwalian sa lahat ng antas ng pamamahalaan.

“Everyone has the right to run for public office. Everyone has the right to be voted for,” ani Pacquiao.

Si Pacquiao ang standard-bearer ng Probinsya Muna Development Initiative party na itinatag ni dating Cebu Gov. Lito OsmeƱa, na namatay noong Hulyo. (Sherrylou Nemis)

The post Pacquiao: Handang labanan sinuman sa pulitika first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-handang-labanan-sinuman-sa-pulitika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-handang-labanan-sinuman-sa-pulitika)