Naghain ng panukala ang isang lider ng Kamara de Representantes upang palawigin ang paggamit ng pondo sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA) hanggang sa Disyembre 2022.

Sa ganitong paraan, sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at ACT-CIS Rep. Eric Yap na maitutuloy pa ng mga ahensya ng gobyerno ang mga proyekto at programa nito.

Sinabi ni Yap na naapektuhan din ng limitasyong dala ng health pandemic ang galaw ng mga ahensya ng gobyerno na nagresulta sa delay na implementasyon ng mga proyekto at programa.

“Nearing the end of the year, there are still programs, projects, and activities funded by the 2021 GAA (General Appropriations Act) that are very much needed by the Filipino people, especially those in the most vulnerable sector,” sabi ni Yap sa House Bill 10373. (Billy Begas)

The post Paggamit ng 2021 budget gustong palawigin hanggang 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paggamit-ng-2021-budget-gustong-palawigin-hanggang-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paggamit-ng-2021-budget-gustong-palawigin-hanggang-2022)