Hindi umano dapat inihimlay ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LMB), ayon kay senatorial candidate Atty. Chel Diokno.

Saad ni Diokno, ang paglilibing kay Marcos sa LMB ay sumira sa katotohanan tungkol sa nangyari noong Martial Law at nagpahintulot sa mga Marcos na linisin ang kanilang pangalan.

“It’s really very significant not just for me personally but I think for the entire country. Because it enabled the Marcoses to kind of, in a way, clean up their name. And it really destroyed the truth about what happened during Martial Law,” ani Diokno sa interview sa ANC.

“It’s truly ironic that a person whom our very own Supreme Court characterized as authoritarian in at least nine decisions, whom our own Supreme Court described as a dictator in 19 decisions and who has been really recognized judicially as the only president who was removed by direct act of the people is buried in the Libingan ng mga Bayani.

“It really is dissonant and it should never have happened in my opinion,” dagdag niya.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumayag na mailibing si Marcos sa LMB.

The post Paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani hindi dapat nangyari – Diokno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paglibing-kay-marcos-sa-libingan-ng-mga-bayani-hindi-dapat-nangyari-diokno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paglibing-kay-marcos-sa-libingan-ng-mga-bayani-hindi-dapat-nangyari-diokno)