Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukala na palawigin ang paggamit ng 2021 General Appropriations Act (GAA) hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Nais ng House Bill 10373, na akda ni ACT-CIS Rep. Eric Yap, na amyendahan ang Section 62 ng 2021 GAA (Republic Act 11518) upang maituloy ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa susunod na taon ang mga programa at proyekto nito na hindi naumpisahan ngayong taon.

Ayon sa RA 11518, ang lahat ng pondo na hindi nagamit ay kailangang ibalik sa unappropriated surplus ng General Fund sa pagtatapos ng taon.

Ipinunto ni Yap na naapektuhan ng pandemya ang operasyon ng mga ahensya.

“Nearing the end of the year, there are still programs, projects, and activities funded by the 2021 GAA that are very much needed by the Filipino peoples, especially those in the most vulnerable sector,” sabi ni Yap.

Ngayon taon ang gobyerno ay mayroong P4.5 trilyong budget. (Billy Begas)

The post Pagpapalawig sa paggamit ng 2021 budget aprub sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpapalawig-sa-paggamit-ng-2021-budget-aprub-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpapalawig-sa-paggamit-ng-2021-budget-aprub-sa-kamara)