Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagtatayo ng superhighway mula Cagayan hanggang Bicol region.

Walang tumutol sa pag-apruba ng panukalang Pacific Palisades Act (House Bill 10355) na pinaboran ng 206 kongresista.

Ang panukalang Pacific Palisades Superhighway ay magdurugtong sa Bicol region at mga probinsya ng Quezon, Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan.

Layunin ng panukala na makagawa ng kalsada na makapagpapabilis ng biyahe at magpapaliit sa gastos sa produktong petrolyo.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH), sa tulong ng provincial, city at municipal government, at Department of Budget and Management (DBM), ang mangunguna sa pagpapatupad ng proyekto.

Ang pondo na kakailanganin ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA). (Billy Begas)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Pagtatayo ng superhighway mula Cagayan hanggang Bicol umusad na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtatayo-ng-superhighway-mula-cagayan-hanggang-bicol-umusad-naa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtatayo-ng-superhighway-mula-cagayan-hanggang-bicol-umusad-naa)