Hindi nagustuhan ng ilang netizen na taga-Quezon City ang social media post ng lokal na pamahalaan kung saan pinagmumukha umanong libre ang proyektong pagsusupply ng kuryente sa Barangay Pansol.

Sa naturang Facebook post, sinasabing pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal na sina Franz Pumaren, Kate Coseteng, Wency Lagumbay, at ilan pang mga dating konsehal sa lungsod ang inagurasyon ng Pailaw project sa Kaingin II.

“Aabot sa 600 pamilya sa Barangay Pansol ang nabigyan na ng permanente at pangmatagalang access ng kuryente, sa pamamagitan ng Pailaw Project ni QC Council Majority Floor Leader Konsehal Franz Pumaren,” saad sa post noong Nobyembre 10.

Ngunit umalma rito ang ilang mga netizen na nakasaksi sa mismong proyekto.

“PAILAW PROJECT? Dati na kaming may ilaw, dahil sa project na ito nagastusan kami ng mababa sa 18 K bawat isang kuntador. Mga EPAL kayong pulitiko, kung makaposing kayo para sa photo-ops nyo WAGAS! Hindi po nakagaan sa aming dati ng may kuntador ang project nyo, NAGKAGASTOS LANG KAMI! HINDI PO LIBRE ANG APLIKASYON NAMIN sa MERALCO pati paglalakad ng mga papeles lahat may BAYAD!” saad ng isang Jesus Rosales.

“ anung libre ,laki nagastos namin jan, sa kuryente sasabihin nyo sa inyo (smiley icons) balik nyo nalang pera namin, para libre talaga,” dagdag pa ng isang Ryan Barraca Nava.

“D naman po lebre ang pa ilaw gumastos din po kami..at gagastos pa ulit para sa wire..may bayad po ang pag apply ng pa ilaw na yan..just saying lang po,” ani Lyn Cabantoc.

“Sa pagkakaalam ko 15 k nagastos nmn sa wire plang wala p yung butaw anyaree po paanong libre??” saad ni Joelyn Figueras. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Pailaw project’ ng QC gov’t sinuka ng ilang residente first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pailaw-project-ng-qc-govt-sinuka-ng-ilang-residente/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pailaw-project-ng-qc-govt-sinuka-ng-ilang-residente)