Sinalubong ang mga netizen ng isang nakakabaliw na balita ngayong Linggo ng umaga – nawawala umano ang higanteng globo sa labas ng SM Mall of Asia (MOA).

Kung titignan ngayong Linggo, natatakpan ang pwesto ng globo ng tila pa-hugis kahon na scaffolding.

Lalo pang tumindi ang pangamba na nawala ang globo matapos pang maglabas ng pahayag ang pamunuan ng SM.

“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident,” saad nito. “With our security measures in place, rest assured that the SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends.”

Ngunit ilang oras lamang ang lumipas, nilabas ng Netfilx ang video tungkol sa nawawalang globo.

Ayon sa video, tinakpan lang ang globo at parte ito ng patalastas para sa palabas na ‘Red Notice.’

“You may or may not have missed the biggest con while you were sleeping. I know who did it, and the Red Notice is out for them,” saad sa caption ng Netflix.

Gayunman, ‘di pa rin naiwasan na magtrending sa Twitter ang MOA Globe. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CWPfSCsvbDN/?utm_source=ig_embed&ig_rid=3e058466-befa-4dda-8bd2-71074d9ba436

The post Pakana ng Netflix! Netizens nabaliw sa pagkawala ng MOA Globe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pakana-ng-netflix-netizens-nabaliw-sa-pagkawala-ng-moa-globe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pakana-ng-netflix-netizens-nabaliw-sa-pagkawala-ng-moa-globe)