Nilinaw ng Inter-Agency Task Force na maaaring mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield sa mga business establishment na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.

Sinabi ni acting spokesperson Karlo Nograles, ang mga employer ay may karapatang magpataw ng face shield policy sa loob ng establisyimento.

“With regard to the voluntary use of face shields, it is hereby clarified that the same is without prejudice to employers still requiring their use for their employees and/or customers,” ani Nograles.

Matatandaang una nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng task force na ibasura ang kontrobersyal na paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng mas mababang alert level. (Sherrylou Nemis)
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Palasyo: Paggamit face shield sa business establishment, posible pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-paggamit-face-shield-sa-business-establishment-posible-pa-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palasyo-paggamit-face-shield-sa-business-establishment-posible-pa-rin)