Inendorso ng House Committee on Revision of Laws sa plenaryo ang pag-apruba sa panukala upang legal na magamit ng isang babae ang kanyang pangalan sa pagkadalaga kahit na siya ay ikinasal na.

Layunin ng House Bill 10459 na amyendahan ang Civil Service Code of the Philippine (Republic Act 386).

Sa kasalukuyan, pinapayagan ang ikinasal na babae na gamitin ang kanyang unang pangalan at apelyido kasunod ang apelyido ng kanyang napangasawa.

Maaari rin na ang kanyang unang pangalan at apelyido ng kanyang mister o ang buong pangalan ng kanyang mister pero lalagyan ng salita sa unahan upang matukoy na siya ang asawa gaya ng “Mrs.”

Sa ilalim ng panukala, magpapasok ng bagong probisyon para legal na magamit ng babae ang kanyang pangalan sa pagkadalaga ng hindi idinaragdag ang apelyido ng kanyang mister.

Layunin umano ng panukala na itaguyod ang equality sa pagitan ng lalaki at babae. (Billy Begas)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Pangalan sa pagkadalaga ipagagamit kahit kasal na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangalan-sa-pagkadalaga-ipagagamit-kahit-kasal-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pangalan-sa-pagkadalaga-ipagagamit-kahit-kasal-na)