Binabalak umano ng pamahalaan na ipadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang anim na milyong single-shot na Johnson & Johnson (J&J) bakuna dahil dito naobserbahan ang laganap na vaccine hesitancy.

Sa panayam ng ANC kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ngayong Huwebes, sinabi nito na problema sa BARMM ang pagdadalawang-isip ng mga tao sa bakuna.

Ngunit naobserbahan naman umano nila nang naging maganda ang resulta nang una silang magpadala roon ng tatlong milyong J&J bakuna.

“Talagang problema namin talaga ‘yung hesitation. Nakita namin, when we deployed ‘yung three million na J&J, ang taas ng acceptance,” wika ni Galvez.

“So, ngayon ang ginawa namin, we ordered six million J&J and more or less baka mga this November hopefully, dumating ‘yung 4.5 million,” wika pa ng vaccine czar.

“We will intend to deploy it to the different areas of BARMM, considering also Tawi-Tawi, Sulu, saka (and) Basilan. Very, tinatawag nating (what we call), advantageous ‘yung (is the) J&J na (which is) single-shot,” dugtong pa nito. (mjd)

The post Para 1 turok lang! J&J bakuna balak dalhin sa BARMM – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-1-turok-lang-jj-bakuna-balak-dalhin-sa-barmm-galvez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-1-turok-lang-jj-bakuna-balak-dalhin-sa-barmm-galvez)