Nahaharap ngayon sa kasong sex-trafficking si Apollo Carreon Quiboloy, tagapagtatag ng simbahan na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC), para sa pagpilit sa mga batang babae na makipagtalik sa kanya sa ilalim ng mga banta ng “eternal damnation.”

Kasama niyang mahaharap sa kaso ang iba pang opisyal ng simbahan, kabilang ang dalawang administrador ng simbahan na sina Teresita Tolibas Dandan, ang “international administrator” ng KOJC sa U.S., at Helen Panilag, isang one-time top KOJC administrator sa U.S.

Kinasuhan ng mga prosecutor sina Quiboloy, Dandan, at Salinas ng pakikilahok sa isang sabwatan sa sex trafficking, coercion, at fraud.

Ayon sa Federal prosecutor ng Los Angeles, USA, na lumawak ang akusasyon sa mga kasong isinampa laban sa ilang mga administrador ng simbahan noong 2020.

Nag-recruit umano ang mga ito ng mga babae na may edad 12 hanggang 25 upang magtrabaho bilang mga personal assistant para kay Quiboloy.

Ayon sa 74-page indictment charge, tatlo sa limang babaeng biktima ay menor de edad nang magsimula ang umano’y sex trafficking.

Inutusan ang mga biktima na makipagtalik kay Quiboloy sa iskedyul na itinakda ng pinuno ng simbahan at ni Dandan.

Sinabi rin nito na nagsimula ang sex trafficking scheme noong 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.

Naniniwala ang US Justice department na nasa Pilipinas ang dalawang administrador.(Sherrylou Nemis)

The post Pastor Quiboloy kinasuhan ng sex trafficking ng US prosecutor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastor-quiboloy-kinasuhan-ng-sex-trafficking-ng-us-prosecutor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pastor-quiboloy-kinasuhan-ng-sex-trafficking-ng-us-prosecutor)