Pinapatawad na umano ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga nag-aakusa sa kanya kaugnay ng kasong sex trafficking na isinampa laban sa kanya sa US.

“I forgive all my detractors. I forgive all those betrayals. I forgive all the traitors. I forgive all of those who have come to see the truth and turn their back on it. I forgive all of it,” saad ni Quiboloy sa ulat ng 24 Oras.

Bukod kay Quiboloy, nadidiin din sa patong-patong na reklamo sa US ang walong mataas na opisyal ng kanyang sekta na Kingdom of Jesus Christ, kung saan itinuturing niya ang sarili bilang ‘appointed son of God.’

Hindi lamang tungkol sa sex at child trafficking ang reklamo kay Quiboloy, kundi maging money laundering, bulk cash smuggling, marriage at visa fraud.

Kaya bukod sa paglilitis ay hinahanda rin ng mga awtoridad sa US ang pagkumpiska ng mga ari-arian ng pastor sa naturang bansa. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Pastor Quiboloy pinapatawad ‘nagtraydor’ sa kanya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastor-quiboloy-pinapatawad-nagtraydor-sa-kanya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pastor-quiboloy-pinapatawad-nagtraydor-sa-kanya)