LOS ANGELES – Hinahanap na ngayon ng Federal Bureau of Investigation ang leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy at dalawang Administrator nito na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag na pinaniniwalaang nasa Pilipinas.

Habang Inaresto na ng mga awtoridad sa US sina Felina Selinas 56-na-taong-gulang alyas “Sis Eng-Eng na naasikaso ng mga passport at dokumento ng mga KOJC workers sa Hawaii at taga-remit ng mga nakokolektang pera sa US patungong Pilipinas.

Kabilang din sa inaresto si Bettina Padilla Roces 48 taong gulang alyas “Kuki”, Administrator at financial officer ng KOJC at Maria De Leon 72-anyos na in-charge sa fraudulent marriages and immigration related documents para sa KOJC workers.

Una nang kinsuhan nakaraang taon sina Guia Cabactulan, Marrisa Duenas 43 At Amanda Estopare, 50 pawang mga Administrator ng KOJC sa Amerika.
Dahil naman sa nabulgar na umanoy illegal na operation ng Kingdom of Jesus Christ nakatakdang hilingin ng US prosecutors sa korte na kumpiskahin ang lahat ng asset ng KOJC na pinaniniwlaang nakuha umano sa illegal na pamamaraan.

Kabillang na dito ang Mansion ni Quiboloy sa Calabasas California, house and lot sa Las Vegas, Nevada, KOJC main office sa Van Nuys, California mga mamahaling sasakayan, isang eroplano at helicopter.
2018 pa iniimbestigahan ng FBI ang operasyon ng KOJC sa US matapos na magsumbong ang isa sa mga miyembro nito sa umano’y iligal na aktibidad ng naturang religous group.(Dave Llavanes Jr.)

The post Pastor Quiboloy wanted na sa FBI; mga ari-arian sasamsamin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastor-quiboloy-wanted-na-sa-fbi-mga-ari-arian-sasamsamin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pastor-quiboloy-wanted-na-sa-fbi-mga-ari-arian-sasamsamin)