Nanindigan ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) na may basehan sila sa paratang laban kay pole vaulter EJ Obiena na hindi tama ang pag-liquidate nito sa kanyang allowance.

Sa panayam ng ANC, inilantad ni Patafa president Philip Juico na ang ibinayad ni Obiena sa kanyang foreign coach ay hindi galing sa kanyang allowance mula sa Patafa.

“Nu’ng ibinayad na sa kanya (the coach), galing sa iba ibang sources, hindi galing sa ibinigay na pera ng PATAFA,” pahayag ni Juico. “Dalawa galing Arab Bank, which was also used in an earlier transaction. Meron 1 galing sa kanya sa isang bank sa Germany. Merong 2 galing sa mother niya.”

Dinidiin si Obiena sa ‘di tamang pag-liquidate ng kanyang allowance maging sa ‘di pagbabayad ng kanyang coach, mga paratang na pinasinungalingan ng atleta.

Kaugnay din ng kamalian umano ni Obiena ay pinababalik sa kanya ng Patafa ang P4.8 milyon.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Patafa rumesbak kay EJ Obiena first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patafa-rumesbak-kay-ej-obiena/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=patafa-rumesbak-kay-ej-obiena)