Hindi inasahan ni Paulo Avelino na magki-click ang love team nila ni Janine Gutierrez hindi lamang sa Pilipinas kundi abroad.

Kasalukuyang pino-promote nina Paulo at Janine ang second season ng kanilang romantic-comedy series na “Marry Me, Marry You” kasama si Jake Ejercito.

Naitanong kay Janine kung ano ang na-discover niya kay Paulo habang kasama ito sa “Marry Me, Marry You”.

Sinabi niyang madalas daw siyang i-bully nito.

“Dito sa show lumabas ‘yung tunay niyang pagkatao… charot!” biro ni Janine. “Masaya. Super, super saya talaga to work with Pau and Jake kasi palagi nila kaming pinapakain and pagdating sa mga eksena nagtutulungan kami. Naging sobrang laking tulong nila sa akin. Pero ‘yun talaga ‘yung pinakana-discover ko na talagang ang hirap talunin ni Paulo sa pang-aasar,” sey ni Janine.

“Hindi pambu-bully ‘yun… pagpapa-cute ‘yun na tini-take niya lang in another way,” depensa ni Paulo sabay tawa.

The post Paulo inamin na nagpapa-cute kay Janine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paulo-inamin-na-nagpapa-cute-kay-janine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paulo-inamin-na-nagpapa-cute-kay-janine)