Nabalot ng tensyon ang 3×3 team ng Terrafirma Dyip matapos mag-collapse ang manlalaro nilang si Roider Cabrera sa loob ng kanilang dugout pagkatapos ng kanilang laro noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, galing ang Dyip sa 19-17 panalo kontra Barangay Ginebra kung saan bumida si Cabrera sa kanyang 11 points.

Ngunit pagkatapos umanong magdasal ng koponan sa kanilang dugout ay bumulagta na lamang bigla ang 30-anyos na manlalaro.

“Pagkatapos na pagkatapos naming magdasal, bigla na lang siyang tumumba,” saad ni Terrafirma 3×3 deputy coach Ronald Tubid. “Nagulat kaming lahat, e.”

Dinala naman agad sa pagamutan si Cabrera kung saan siya oobserbahan sa susunod na 48 oras.

“We will await the official statement from the doctors,” pahayag ni team governor Bobby Rosales.

“(But) we have assured his family of the full support by Terrafirma,” aniya. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post PBA 3X3 player bumulagta sa dugout first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pba-3x3-player-bumulagta-sa-dugout/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pba-3x3-player-bumulagta-sa-dugout)