Humingi na umano ng tawad sa Senado ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay sa ‘di magandang asal na ipinakita ng isa nilang opisyal sa gitna ng budget deliberation ng ahensya noong Lunes.

“Our apologies to the Senate. In this juncture, we reflect our sincere assurance that any such behavior that shows discourtesy will never be deliberately observed by any of our personnel in any situation as it is detrimental to PCOO, its attached agencies, our core values and government partners,” pahayag ni PCOO Secretary Martin Andanar sa isang liham.

Sa naturang budget deliberation ng PCOO, nadiskubre ng Senate sergeant-at-arms na si Dominic Tajon, sales and marketing manager ng Apo Marketing Unit Incorporated, ay umiinom ng alak habang dumadalo ng sesyon online.

Ang APO ay isang government owned/controlled corporation na nasa ilalim ng PCOO.

“We are now conducting an investigation into the display of inappropriate attire and the claim that he was imbibing during the session in order to provide clarification,” saad pa sa liham ni Andanar na binasa sa Senado.

“Should he be found culpable of any wrongdoing, we will enforce pertinent disciplinary actions to Apo Marketing Unit Incorporated sales and marketing manager Dominic Tajon,” wika pa nito. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post PCOO nag-sorry kaugnay ng opisyal na uminom sa gitna ng sesyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcoo-nag-sorry-kaugnay-ng-opisyal-na-uminom-sa-gitna-ng-sesyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pcoo-nag-sorry-kaugnay-ng-opisyal-na-uminom-sa-gitna-ng-sesyon)