MAKARAAN ang bubble training sa Cagayan Valley, nakahanda na ang Tuguegarao Perlas Spikers upang umaksiyon sa 1st Philippine National Volleyball Federation Champions League 2021.

Pinaskil sa social media account ng team ang kanilang flight pabalik ng Maynila para lumahok sa nabanggit na liga na nakatakda simula sa Sabado, Nobyembre 20 sa Batangas.

Kasama sa koponan ngayon para sa anim na araw na torneo sina dating Ateneo Lady Eagles standout Jules Samonte, veteran setter Wendy Semana at Fhen Emnas na naglaro dati sa Black Mamba Army sa Premier Volleyball League Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte noong Agosto.

Bago ang Champions League, sumabakk din ang Perlas Spikers sa 6th Beach Volleyball Republic 2021 two-leg event sa Cagayan nitong Oktubre.

The post Perlas hahambalos sa Champions League first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/perlas-hahambalos-sa-champions-league/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=perlas-hahambalos-sa-champions-league)