‘Propaganda’ lang umano ang petisyong inihain para i-diskwalipika sa halalan si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ayon sa kanyang tagapagsalita.

“We shall address this predictable nuisance Petition at the proper time and forum – after we receive the official copy of the same,” wika ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez ngayong Miyerkoles.

Ito ang sagot ng kampo ni Marcos nang i-petisyon ng ilang grupo sa Commission on Elections (Comelec) ang diskwalipikasyon ng presidential aspirant sa halalan dahil sa conviction nito sa kasong may kinalaman sa buwis 26 taon na ang nakakaraan.

“Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does not engage in gutter politics. Our campaign is about nation building,” wika pa ni Rodriguez.

Taong 1995 pa nang ma-convict si Marcos ng Quezon City Regional Trial Court dahil sa kabiguan niyang magsumite ng income tax returns.

“Specifically, Marcos falsified his Certificate of Candidacy when he claimed that he was eligible to be a candidate for president of the Philippines in the 2022 national elections when in fact he is disqualified from doing so,” saad sa naturang petisyon. (mjd)

The post Petisyon vs Marcos Jr. ‘propaganda’ lang – spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/petisyon-vs-marcos-jr-propaganda-lang-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=petisyon-vs-marcos-jr-propaganda-lang-spox)